PDOS Pre- Departure Orientation Seminar
Ang Pre- Departure Orientation Seminar (PDOS)
ay isang paraan ng pamahalaan sa pamamagitan ng OWWA para maihanda ang mga papaalis na OFW patungo sa ibang bansa.
Sa pamamagitan ng PDOS, mabibigyan ng sapat na kaalaman ang mga OFWs para maihanda ang kanilang sarili sa haharaping hamon ng patatrabaho sa ibang bansa.
Mag-aabroad ka pala. Nag-PDOS ka na ba?
KAKAMMPI provides support and assistance to victims of labor violations and abuses, physical and sexual abuses, racial and gender discriminations, and people living with HIV/AIDS through referrals to organizations and groups that provide medical, legal and welfare services to migrants.
KAKAMMPI provides psycho-social counseling to distressed Filipino migrants and their families.
COUNSELING
CASE MANAGEMENT
PDOS ADVISORY #002
Ipaalam sa lahat ng nagpi-PDOS patungong Saudi Arabia na mas mabigat na parusa ang ipapataw sa mga dayuhang manggagawa na lalabag sa kanilang mga regulasyon ukol sa paninirahan, pag- gawa at pangkalakalan.
Kasama sa parusa ang multang aabot sa SR 100,000, kulong na hanggang dalawang(2) taon at deportasyon. Ang manggagawang magkakasala ay hindi na papayagang makabalik sa kaharian.
Sa isang talastas, sinabi ng Saudi government na ang parusa ay tataasan pa sa hinaharap depende sa dalas o dami ng paglabag. Ang mga mahuhuli ay hindi papayagang makapagpiyansa.
PDOS ADVISORY #003
Ipaalam sa lahat ng nagpi-PDOS na ang Oman ay nagbabawal ng paglipat ng "Employment Visa" ng mga dayuhang manggagawa sa kanilang bansa na hindi pa nakaka- kumpleto ng dalawang(2) taon ng kanilang "Work Contract" sa kumpanyang pinagtatrabahuhan simula sa June 1,2014.
Ang impormasyong ito ay nilalaman ng isang talastas na inilabas ng Dept. of Foreign Affairs.
Ang kautusan ay nagbabawal sa mga manggagawa na magpalit ng employer sa kalagitnaan ng kontrata. Maaari lamang magpalit ng employer at lumipat ng trabaho ang manggagawa kung siya ay mabibigyan ng "No Objection Certificate" ng kasalukuyang kompanya.
Ang pagbabawal na ito ay makakaapekto sa mga dayuhang manggagawa na nakatapos ng kontrata at umuwi na may intensyong lumipat sa ibang employer sa dahilang sila ay kailangang maghintay ng dalawang taon bago mapayagang makabalik sa Oman bilang dayuhang manggagawa.
The organization provides support projects and services to its chapters and partner communities through medical and dental missions, trainings and capacity building projects.
COMMUNITY OUTREACH
PDOS ADVISORY #004
Noong April 24,2014 si Canadian Federal Employment Minister Jason Kenney ay naghayag ng agarang pagpapatupad ng suspensyon o pagtigil ng aktibidad sa kalagayan ng aplikasyon ng mga Pilipinong manggagawa sa Food Service Sector sa ilalim ng Temporary Foreign Workers Program (ng Canada). Isang opisyal na listahan ng mga hindi karapat- dapat na trabaho ang inilabas noong April 28,2014. Walang bagong aplikasyon sa Labor Market Opinion (LMO) ang tatanggapin at ang mga naka-pending na aplikasyon sa LMO ay kakanselahin.
Ang kamakailang kaganapang ito ay ini-report ni Ms. Leonida V. Romulo, ang ating Labor Attache na naka-assign sa Philippine Embassy sa Toronto, Canada.
Subalit, kailangang ipaalam din sa mga nagpi-PDOS na ayon sa gobyerno ng Canada, ang mga Temporary Foreign Workers na nakakuha na ng work permit mula sa Citizenship and Immigration Canada (CIC) ngunit hindi pa nakakarating sa Canada ay hindi apektado.